Ang Pandaigdigang Kapisanan para sa Pagpapaunlad o World Development Organization, ay nagsasabi na ang mga patakaran ng mga pamahalaan at mga banyagang negosyo ang sanhi ng kahirapan. Sila kaya ay tama?
Ang mundo ay may kayamanan at mga kapamaraanan upang wakasan ang kahirapan. Datapuwat halos kalahati ng populasyon ng mundo ay nabubuhay lamang sa halos 1.40 dolyar ($1.40) kada araw. At higit sa labing-isang (11M) milyong mga bata ang mamamatay mula sa mga sakit na sanhi ng kahirapan ngayong taon lamang na ito (basahin ang polyeto na nalathala sa bagong isyu ng “The New Internationalist”). Ang partikular na polyetong ito na pinamagatang, “Hindi ba panahon na upang isakatuparan ang mga paraan upang malunasan ang mga dahilan ng kahirapan?” ay inilathala ng isang organisasyong tinaguriang “World Development Movement” at ito ay maaaring nagmula sa alinman sa mga ibat ibang samahang kawanggawa na nagsusulong sa larangang ito.
Maaaring ang kanilang sinasabi ay totoo – ang mundo ay talagang maraming kayamanan at kapamaraanan para wakasan ang kahirapan – at, oo, lagpas pa sa tamang panahon na isagawa ang paglupig sa mga ugat (o kaya ay ugat) ng kahirapan.
Kung gayon, ano ang sanhi ng pandaigdigang kahirapan? Malinaw, ito ang pangunahing katanungan dahil kung di mo makuha ang tamang kasagutan, di mo rin makakamtan ang tamang solusyon.
Ayon sa WDM, ang sanhi ng kahirapan sa mundo ay ang mga patakarang kasalukuyang ipinatutupad ng mga gobyerno at ng mga korporasyong multinasyonal: “Ang mga polisa o patakaran ng mga pamahalaan at mga kumpanya o korporasyon ang siyang nagpapahirap sa mga tao. Mga patakarang tumitiyak na ang mga benepisyo ng pandaigdigang kalakalan ay m apunta sa mga mayayaman, hindi sa mahihirap – – – ang tatlong (3) pinakamay ayamang tao sa mundo ay mas mayaman pa sa apatnapung (40) pinakamahirap na pinags ama-samang mga bansa. Mga patakarang nagbibigay ng karagdagang kapangyarihan sa mga dayuhang kumpanya – sa bawat isang (1%) ng tulong para sa mga mahirap na bansa, animnaput-anim (66%) porsiyento naman ng tubo o pakinabang ang kinukuhang palabas ng mga dayuhang kumpanya. Ang mga makapangyarihan ay ginagamit ang mahihirap para sa sariling kapakanan upang magkaroon ng mas malaking kita.”
Ang lunas ng WDM sa problema sa kahirapan sa mundo ay umaayon sa masusing pagsusuri na “ang mga patakaran ng gobyerno at korporasyon ang pinagmulan”.
“Ating hinihikayat ang mga nagbubuo ng mga kapasiyahan na baguhin ang mga patakaran na nagpapanatili sa mga tao sa pagiging mahirap.”
“Sinasabi nila ito umano’y kayang isakatuparan kung bibigyang diin ang pagsasagawa.”
“Sa mga mayayamang bansa kagaya ng Britanya, ang mga desisyon na ginagawa ay pwedeng bumuo o magwasak ng buhay ng mga mahihirap. Pwede nating impluwensyahan ang mga desisyon na yaon. K ung kaya, ang ating pagkilos ay labis na napakahalaga. Sa pagsasama-sama, tayo ay magiging makapangyarihan at makakamtan ang pagbabago para sa mga dukhang nabubuhay sa daigdig.”
“Ito ba ay totoo? Ang kahirapan ba sa mundo ay dahil sa nagkamaling mga patakaran o polisa ng mga gobyerno at mga dayuhang kumpanya? Makakaya ba ng panghihikayat at pagluhog sa mga gobyerno at mga negosyo upang mapanibago ang mga nagkamaling patakarang ito.
Bilang mga sosyalista, ating sasabihin na ang kasagutan sa dalawang katanungan ay “hindi”. Ang mga pamahalaan ay di nagpupursigi ng mga patakaran na unahin ang kita o tubo bago ang mahihirap, sapagkat ito ay pinili nilang gawin kaysa naman walang piliin. O kaya sila ay pinilit ng mga mayayaman o makapangyarihan upang pursigihin ang mga patakarang papabor sa kanila bilang mahihirap. Wala talaga silang pagpipilian sa bagay na ito sapagkat walang kontrol sa mga ganoong bagay.
Ang mga gobyerno ay nagpapalakad sa loob ng balangkas ng isang sistemang pang-ekonomiya – at ang kasalukuyang sistemang pangkabuhayang ito – ang kapitalismo, kung tatawagin natin – ay nakabase ayon sa kayamanan na nilikha para ipagbili sa palengke na ang pananaw ay magkaroon ng tubo, at ayon din sa diin ng tunggalian sa pamilihan na nagdidikta na maipon ang mga tubo at pakinabang sa anyo ng parami nang paraming kapital na inilagak upang lalong lumago at magkaroon pa ng maraming tubo.
Ang layunin ng produksyon sa ilalim ng kapitalismo ay hindi upang bigyang kasiyahan na mapunan ang pangangailangan ng mahihirap kundi upang lalong makatipon ng tubo, kita, o pakinabang. Ito ay hindi isang patakarang pinili kundi isang pangangailangang pang-ekonomiya na ipinataw ng pagpapatupad ng walang-damdamin at walang humpay na mga alituntuning pang-ekonomiya na siya namang sinusunod ng mga gobyerno, maliban na lamang kung nanaisin nilang isapalaran ang paggawa na lalong sasama pa at pupukaw ng mas masahol na bagay upang bumugso ang isang krisis pangkabuhayan at mapigil ang pag-unlad ng dakong kanilang pinamamahalaan.
Sa maikling salita, mas inuuna ng mga gobyerno ang tubo kaysa sa mga mahihirap na tao sapagkat sila ay nap ilitan lamang gawa ng mga walang-damdaming kagagawan ng mga puwersa o lakas ng kalakal sa mundo, at hindi dahil sa kagustuhang pumili. Nangyayari rin kahalintulad, at mas mariin pa, sa kaso ng mga kapitalistang korporasyon. Ang kabuuan ng kanilang layunin ay magkaroon ng tubo mula sa kapital na kanilang inilagak sa kanilang mga negosyo upang ang mga may-ari ng kaparteng kapital ay makinabang. Yaon ang natural o ang likas para sa isang hayop, at di natin kayang isipin na ang World Development Movement ay walang kamalay-malay upang paniwalaan na ang mga pribadong kumpanya, maging ito man ay nasyonal o multinasyonal, ay magpursigi o magtaguyod ng iba pang patakaran maliban na sa pagpapalago ng kanilang pakinabang.
“Klasikal o Pangunahing Kamalian ng Pagwawasto”
Ang WDM at iba pang mga nanghihikayat na pangkawanggawa ay gumaganap sa pandaigdig na pamantayan ng parehong pangunahing kamalian ng pagpapanibago na dati ay nagagawa lamang sa pamantay ang pambansa: na sinisisi ang mga patakarang isinusulong ng mga gobyerno sa halip na sisihin ang mga sistemang pang-ekonomiya, at sa paghahanap ng solusyon na palitan ang gobyerno o kaya ay mga patakaran na lamang nito, sa halip na palitan ang sistemang pangkabuhayan. Sa maraming bansa sa daigdig, ang mga gobyerno ay napapalitan, ngunit ang mga patakaran na mag-uugnay na gawing mas mahalaga ang tubo kaysa sa mga tao ay magpapatuloy, katulad ng kanilang ginawa sa dating gobyerno na lantarang ipinamayani at pinanatili ang kasalukuyang katayuan (Status quo).
Kung kaya, bilang katapatan, ang mga nanghihikayat pangkawanggawa katulad ng WDM ay walang pagkakataon na mahikayat ang mga gobyerno at mga maliliit na dayuhang kumpanya, na baguhin ang kanilang nakagawian na mas inuuna ang tubo o pakinabang kaysa ang mga tao. At hindi ito dahil sa kanilang paniniwala lamang sa pagsusulong na nagtutulak sa kanila sa kabiguan; kahit na ang pinakamarahas na demonstrasyon sa kalye ay hindi kayang baguhin ang nakagawiang ito. Habang ang mga internasyonal na sistemang kapitalista ay patuloy na namamayani, ang mga alituntuning ito na pang-ekonomiya ay ipagpapauna ang tubo kaysa sa mga tao, at ang mga gobyerno ay walang ibang pagpipilian kundi sumayaw ayon sa tugtugin nito.
Subalit ano ang mga mapamimiliang patakaran na ang WDM at ang iba pa, na ninanais sanang isulong ng mga gobyerno at kumpanya? Walang detalye ang WDM sa kanilang polyeto ngunit malalaman nyo kapag ibinalik nyo ang kanilang ginupit na kupon. Ngunit ito ay di na rin lubhang kailangan dahil sa kasagutang ibinigay ng “New Internationalist” na lumabas sa kanilang polyeto. Ipinalabas ng “Christian Aid” na pinamagatang “Trade for Life” o “Kalakalan para sa Pamumuhay,” isinasaad nito na “ang bawat araw na palatuntunan ng kalakalan, ang nagpapanatili sa kahirapan sa milyun-milyun at sa kayamanan ng mangilangilan.”
Apektado ng kalakalan ang halos lahat sa ibabaw ng mundo. Sa mga nakalipas na sandaang taon ito ay naging isang patuloy na makapangyarihang lakas na puwersang internasyunal. Subalit ito ay minanipula ng mayayamang bansa at mga kumpanya upang umakma sa kanilang sariling interes. Ang mga pagkakataon na dala-dala ng kalakalan ay di matamo ng mga mahihirap na tao. Sila ay napipilitang patuloy na namumuhay sa kahirapan, na iniaalay ang kanilang buhay at kabuhayan para payamanin ang iba.”
Subalit kung ang mga kasalukuyang “tuntunin” na bumabalot sa kalakalan ay siyang sanhi, kung gayon, nararapat lang, ang lunas ay baguhin ang mga tuntunin, at ito nga mismo ang deklaradong layunin ng “Trade for Life” sa kaniyang kampanya:
“Sa pagkakaroon ng makabagong mga tuntunin, ang kalakalan ay magsisilbing isa sa mga pinakadakilang solusyon sa pandaigdigang kahirapan. May kapangyarihan ang kalakalan na lumikha ng mga trabaho, pagbutihin ang pangkalusugang pangangalaga, at bigyan ng kapakinabangan ang pamumuhay at kabuhayan ng mga tao. Ang “Trade for Life” ay nananawagan sa isang malakihang pagbalangkas sa mga palatuntunan na nagpapatakbo sa sistema ng kalakalang pang-iba’t ibang bansa.”
Ang Pangangalakal – pamimili at pagbebenta ng mga produkto at serbisyo – ay hindi dapat ipagkasingkahulugan sa pisikal na pagbiyahe ng mga kalakal at serbisyo mula sa isang parte ng daigdig patungo sa ibang lugar upang doon gamitin. Ang dalawang ito ay magkaiba, kahit na nasasakop ng pangangalakal ang mga ito. Sa katunayan, ito ay dahil sa mayroon ngang kalakalan – at hindi lamang pagbibiyahe – na hindi naman naipamamahagi ngayon sa mga tao ayon sa kanilang pangangailangan – ang produkto at serbisyo.
Ang pangangalakal ay pamimili at pagbebenta, at ang kahulugan nito ay pamilihan, na ang mga produkto at serbisyo ay nilikha lamang para sa isang pamilihan upang tumubo. Nangangahulugan ito na ang isinasagawang produksyon ay hindi upang mapunan ang pangangailangan ng mga tao kundi para punan ang pangangailangan ng nagbabayad, ibig sabihin ay ang mga pangangailangan na itinataguyod ng mga maka-puhunang ekonomista na tinatawag nilang “epektibong pangangailangan”. Sa maikling salita, ang kahulugan nito ay ang paglalapat ng prinsipyo ng ekonomiya na tinaguriang “hindi makabayad, hindi magkakaroon”.
Ganito nga, sapagkat ang milyung-milyung tao na nabubuhay na sadlak sa kahirapan, mga taong tunay at nais na kalingain ng mga organisasyong katulad ng WDM at Christian Aid, ay walang sapat na salapi, o kung mayroon man ay di sapat, kaya di nila mapunan ang kanilang mga pangangailangan: hindi sila isang pamilihan. Sapagkat ang kanilang pangangailangan para sa isang disenteng pagkain, maayos na pananamit, silungan, kalusugan at kalinisang pangkalusugan ay “hindi epektibo” o kaya ay “walang bisa” kung kaya nga sila ay hindi pinapansin ng kalakalan at ng pandaigdig na sistema ng pangangalakal. Walang pagbabago sa mga palatuntunan ng kalakalang internasyunal ang kaya itong baguhin, dahil nga ang “sistemang internasyunal ng kalakalan” na rin na ito (ibang katawagan – pandaigdig na mercado, kapitalismo) ang siya ring dahilan ng problema.
Ang hinihiling ay hindi baguhing anyo ng sistemang ito na gaya ng hiling ng World Development Movement, Christian Aid at iba pa, kundi ang paggiba o pagbuwag sa sistemang ito at palitan ng isang sistema na doon ang mga likas na kayamanan ng daigdig ay magiging pare-parehong pamana sa sangkatauhan. Sa ganitong basehan lamang, na ang mga likas na yamang ito ay mapakilos para lipulin ang kahirapan sa mundo at tiyakin ang isang marangal na buhay para sa bawat lalaki, bawat babae, at bawat bata sa ibabaw ng planetang ito. Oo nga, ang daigdig ay nagtataglay ng mga kayamanan at kapamaraanan upang wakasan ang kahirapang pandaigdig. At siya nga rin, ito ang pinakatamang panahon na bunuin natin ang suliraning ito.
World Socialist Party U.S. POB 440247 Boston, MA02144 www.worldsocialism.org/usa