Breaking News

ANG SOSYALISMO Isang Mabilis na Sangguniang Patnubay

“Ang Kapitalismo sa bagong milenaryo ay nananatiling isang sistema ng pagsasayang, kadahupan at nakapangingilabot na kawalang seguridad. Nasasaiyong sarili na rin, upang saliksikin ang tungkol sa isang kilusan na naninindigan para sa mapamimilian.”

Ang kapitalismo ang siyang sistemang panlipunan na ngayon ay nananatili sa lahat ng bansa ng daigdig

Sa ilalim ng sistemang ito, ang pamamaraan ng produksiyon at distribusyon. (lupa, pagawaan, opisina, bi yahe, media, atbp.) ay sinasarili ng isang menorya o kakaunti, ito ang uring kapitalista. Lahat ng yaman ay tayo ang lumikha, ang mas nakararaming uri ng manggagawa, tayo na ipinagbibili ang ating mga sariling lakas ng pag-iisip at pangangatawan, doon sa mga kapitalista kapalit ang kabayaran, suweldo, o sahod.

Ang layon ng paglikha ng yaman ay nagbunga ng mga kagalingan at serbisyo na puwedeng ibenta sa pamilihan para sa pakinabang. Hindi lamang ibinubuhay ng mga kapitalista ang mga kitang kanilang nakamtan mula sa paggamit sa uring manggagawa, bagkus, bilang isang uri, sila ay nagpapatuloy sa pagtit ipon ng yaman na piniga mula sa bawat henerasyon ng mga manggagawa.

Habang ang Kapitalismo ay nananatili, ang tubo o ganansya ay mas laging una kaysa pangangailangan

Ang ilang reporma ay tinanggap ng ilang manggagawa, subalit walang reporma na kayang buwagin ang pangunahing tunggalian sa pagitan ng pakinabang at pangangailangan na nakalatag sa kasalukuyang sistema. Kahit pa kung ang mga pangako na ang kapitalismo ay itaguyod ang kapakanan ng mga trabahador o manggagawa ay buong katapatang ginawa, o kaya ay galing sa mga oportunistang pulitiko, ang mga pangak ong ito ay mabibigo, sapagkat ang ganitong pangako ay parang nagmungkahi na pamahalaan ang isang matadero o katayan para sa kapakanan ng kakataying baka.

Ang kapitalismo sa kanyang walang humpay na kampanya upang paglingkuran ang pakinabang kaysa pangangailangan, ay nagtatapon ng walang katapusang agos ng mga problema.

Halos lahat ng trabahador sa bansang ito ay nakakaramdam ng walang kaseguruhan ng kanilang hinaharap. Katulad ng pagsukat ng Bureau of Census, sa isang bahayan ng isa sa walong bahay sa Estados Unidos ay nabubuhay sa ibaba ng linya ng kahirapan sa opisyal na pagtaya ng gobyerno. Ang mga matatanda nang tao ay naiiwang umaasa na lamang sa mga kalinga ng kabayaran ng Social Security na sa kabuuan naman ay hindi nakasasapat para tugunan ang lumalaking pangangailangan at sila ay napaparusahan kapag naghanap sila ng ibang paraan para mat ugunan ang mga ito.Milyun-milyun ang ating mga kapuwa lalake at babae ang namamatay sa matinding gutom – laksa- laksa ang namamatay sa kanila araw-a raw. Paulit-ulit ang mga nangongontrata o ang kontratista ay “nagtatayo ng s obra” para sa publikong nagbabayad, pagkatapos tayo ay pakikitaan ng isang panoorin ng mga walang tahanang mamamayan, o mga taong namumuhay sa “slums” samantalang maraming mga pabahay at mga “apartments” ay wal ang laman o walang naninirahan dahil sa kawalan ng “epektibong pangangailangan.”

Ang mga pagkain ay nasisira, at ang mga magsasaka ay pinopondahan para huwag nang lumikha ng produkto; subalit milyun-milyung katao ang hindi malusog ang pangangatawan. Ang mga ospital ay nagkakaroon ng nakasisilaw na parada ng mga makabagong teknolohiya para sa pangangalagang medikal o pagkalinga, subalit marami ang hindi makabayad para sa kanilang kalusugan o seguridad sa panahon ng aksidente o kapahamakan sapagkat ang bayarin sa pagpapa-ospital ay pumapailanlang sa kamahalan. Nananatiling hindi “kapakipakinabang”ang pagbibigay ng isang disenteng gamutang pangkalusugan para sa lahat. Ang isang lipunang nakabase sa produksiyon para sa paggamit ay siyang tatapos sa mga problemang nabanggit sapagkat ang prayoridad o pinagpapauna ng lipunang sosyalista ay ang posibleng pagtugon sa mga pangangilangan. Sa isang lipunang sosyalista, lahat ay mabuti, sapat para sa pangangailangan ng isang nilalang.

Alam ng maraming tao na mayroong mali sa lipunan at nais nila itong mabago.

Ang iba ay umaanib sa mga grupong pang-reporma sa pag-asang ang kapitalismo ay maisasaayos pa, subalit ang mga ganitong pagsisikap ay walang kuwenta sapagkat hindi mo kayang pangasiwaan ang isang sistema ng panggagamit sa mga uri para na rin sa kapakanan ng mga ginagamit na mas nakararami. Ang mga tao na nangangamba sa kinabukasan sa kadahilanang ang kapitalismo ang pinanghahawakan sa ating planeta ay makasusumpong ng kasagutan sa pagsasara ng IMF at ng World Bank, subalit habang ang mga nasyon at estado ay nananatili, nangangahulugan na ang pagpapangagawan sa ekonomiya ay maglalagay sa bukas na palagiang panganib. Hindi mabilang ang mga masidhing kampanya at mabubuti ng hangarin na kinasuungan ng mga tapat na tao, ngunit iisa lamang ang solusyon sa mga problema ng kapitalismo, at iyan ay alisin ito at itatag ang sosyalismo.

Bago natin magawa ito, kailangan natin ang mga sosyalista; ang mahikayat natin ang mga manggagawa sa ganitong layunin ay nangangailangan ng kaalaman, mga prinsipyo, at si gla para sa pagbabago. Puwedeng paunlarin ng sinuman ang mga ganitong katangian – at ito ay pinakamahalaga sa sinumang nagpapakatotoo upang baguhin ang lipunan.

Ang pag-aasal ng tao ay hindi naitakda kundi pinagpapasiyahan ng uri ng lipunan na nakatadhanang pinaninirahan ng mga tao.

Ang makapal na gubat ng Kapitalismo ay lumilikha ng tiwali, makumpetensiyang pamamaraan ng pag-iisip at pagganap. Subalit tayo bilang tao ay kayang umakma sa ating mga pag- uugali, at walang dahilan na ang ating makatuwirang pagnanasa ng kaginhawahan at makataong kagalingan ay hindi tayo pahintulutang makipagtulungan. Kahit sa ilalim ng Kapitalismo, nakakamtan ng tao ang kasiyahan sa paggawa ng kabutihan sa kapuwa; kaunting tao lamang ang nagsasaya sa pakikilahok sa “sibilisadong” digmaan ng pang-araw-araw na mala-dagang karerang paligsahan. Isipin na lamang kung gaanong kaganda kung ang lipunan ay nakabatay sa pagtutulungan o kooperasyon.

Ang industriyang napasailalim sa isang nasyonalisasyon sa simpling ipakahulugan ay mga manggagawang nagawang manipulahin ng estado, na kumikilos para sa mga kapitalista ng isang bansa, kaysa ng isang indibiduwal na kapitalista o kumpanya.

Ang mga trabahador ng nasyonalisahing ko rporasyon ng Chrysler ay hindi maipagkakailang mga alipin ng pakinabang katulad ng kanilang kalagayan sa ngayon. Ang pagpapatakbo ng isang serbisyo ng pampasaherong tren na inilipat sa isang korporasyong Federal (Amt rak) upang pangasiwaan ang maayos nitong pagkawala, ay hindi na pagmamay-ari ng “publiko” na gaya ng nauna nang ibat- ibang pribadong mga kumpanya ng riles ang nagsusuporta dito. At kung anuman ang mga merito ng pambansang paseguruhan ng kalusugan, ang ganung plano ay hindi maglalagay ng tunay na kapangyarihang magdesisyon sa mga kamay ng mas nakararaming manggagawa. Ang nasyonalisasyon ay kapitalismong pang-estado.

Ang mga bansang nagpanggap na tawaging “sosyalista” ang kanilang mga sarili ay hindi kailanman naging ganoon kundi sila ay mga sistema ng kapitalismo ng estado

Doon sa dating Soviet Union at ang kaniyang imperyo, sa Albania at ang dating Yugoslavia, ang kapangyarihan ng lipunan ay sinarili ng mga may pribilehiyong namiminuno ng Partido; sa Tsina at Cuba at iba pang mga bansa tinatawag ang kanilang mga sarili na sosyalista, ay nagpapatuloy na sinasarili ng ganun ding pamunuang burokrasya. Ang mga kaanyuan ng kapitalismo na nailahad sa unahan ay nananatiling naruruon. Ang pagsusuri ng kalakalang pang-internasyunal ay naglalahad na ang huwad na mga estadong sosyalista ay kabahagi ng pandaigdig na kapitalistang pamilihan at hindi nila maihiwalay ang kanilang mga sarili sa mga rikisitos ng pakinabang.

Ang Sosyalismo ay hindi pa lumilitaw

Kung ang sosyalismo ay maitatatag, ito ay dapat na pang buong-mundo bilang isang alternatibo o pamalit sa lipas sa panahong sistema ng pandaigdig na kapitalismo. Sa sosyalistang lipunan, magkakaroon ng isang pag-aaring panlahat at isang pangmadlang kontrol sa daigdig ng kanyang mga naninirahan doon. Walang grupo ng minorya ang puwedeng magdikta sa mas nakararami na ang produksiyon ay patungo sa kita o tubo.

Sapagkat naglaho na ang kapital, ang mga pamamaraan sa paglikha ng yaman ay mapapasalahat. Ang produksiyon ay magiging para lamang sa paggamit at hindi para paninda. A ng mga tanging katanungan na kailangang itanong ng lipunan tungkol sa yaman ay ganito: ano ang mga pangangailangan ng tao at ang mga pangangailangan bang ito ay kayang tugunan? Ang mga tanong na ito ay masasagot salig sa mga nakahandang pagkukunan para ito matugunan. Hindi tulad noon, ngayon ang makabagong teknolohiya at komunikasyon ay maaaring gamit in sa kanyang buong kapangyarihan.

Ang pangunahing prinsipyo ng sosyalismo ay ang pagbigay ng tao ayon sa kanilang mga kakayahan at kanilang pagtanggap ayon naman sa kanilang pansariling pangangailangan. Ang gawain ang magiging saligan ng boluntaryong pagtutulungan: ang sapilitang pagbabayad at pas ahod sa trabaho ay aalisin na. Mawawala na ang pagbili at pagbebenta at ang pera ay hindi na kakailanganin sa isang pamayanang may pag-aaring pangkalahatan at malayang pagpasok. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang mamamayan ay magkakaroon ng pagmamay- aring pangkalahatan sa planetang daigdig.

Ang pandaigdig na Partidong Sosyalista (World Socialist Party) ay isang lapiang pulitikal, namumukod sa iba pa, sa kaliwa, sa kanan o sa sentro.

Ito ay nakatayo sa nag-iisang layuni n na itatag ang pandaigdig na sistema ng lipunan ayon sa makataong pangangailangan kaysa ayon sa estadong pakinabang o pampribado man. Ang ating “Obj ect and Declaration of Principles” ay nailahad noon pang 1916 at mula noon ay walang nagawang pagbabago . Sa ibang mga bansa, may mga kasam ahang partido na itinataguyod ang parehong layunin at ang mga prinsipyo, habang kanilang napapanatili ang kanilang kasarinlan hiwalay sa iba pang mga partido pulitikal.

Ang World Socialist Party ay walang mga lider

Ito ay isang malayang organisasyon na kontrolado ng mga kasapi. Nauunawan nito na maaari lamang itatag ang sosyalismo ng mga mulat ang kaisipan ng mas nakararaming manggagawa – na ang mga manggagawa na rin mismo ang magpapalaya sa kanilang mga sarili at hindi sila palalayain ng kanilang mga lider o partido. Ang sosya lismo ay hindi maitatatag ng isang lubusang naglilingkod na minorya na“durugin ang estado” gaya ng ipinangangalandakan ng ilang maka-kaliwa. O kahit na ang mga pagkilos ng mga bayarang pulitikong propesyunal na walang kinalaman munti man sa sosyalismo – ang mga kinahinatnan at kinalabasan ng sobrang daming insureksiyon ay pinatutunayan na ito. Sa oras na ang mas nakararami sa uring manggagawa ay nakaunawa at ginusto ang sosyalimo, isasagawa nila ang mga karampatang hakbangin para mag-organisa ng buong kamalayan upang malayang masakop ang kapangyarihang pulitikal. Hindi magkakaroon ng sosyalismo kung walang mas nakararaming sosyalista.