Breaking News

MGA LAYUNIN AT SIMULAIN II

LAYON (Object)

Ang pagtatatag ng isang sistema ng li punan na nakasalig sa pagmamay-aring pangkalahatan at ang demokratikong kont rol sa mga pamamaraan at mga instrumento sa paglikha at pamamahagi ng yaman mula sa at tungo sa kapakanan ng lipunan sa kabuuan.

DEKLARASYON NG MGA PRINSIPYO

Ang mga Partidong Kapanalig ng Sosyalismo ay nananalig na:

Ang pagkakabuo sa lipunan sa ngayon ay nakasalig sa pagmamay-ari ng mga kaparaanan ng pamumuhay (ito nga ay: lupa, pagawaan, riles, atbp.) ng mga kapitalista o uring panginoon, at ang pagiging busabos ng uring manggagawa, na sa kanilang pagpapagal ang yaman ay nalilikha.


Samakatuwid, sa lipunan, mayroong isang tunggalian ng mga interes, na inilalahad nito ang sarili na isang paglalaban sa pagitan ng mga uri na nagtatangkilik ngunit hindi nagpapagal, at yaong mga nagpapagal ngunit walang tinatangkilik.

Mapapawi lamang ang tunggaliang ito sa pamamagitan ng pagpapalaya sa uring manggagawa mula sa pang-aalipin ng uring panginoon, sa pagsasalin ng kaparaanan ng produksyon at pamam ahagi para maging pangkalahatang pagmamay-ari ng lipunan, at ang demokratikong kontrol ng buong mamamayan.

Kagaya ng pagkasunod-sunod ng paglitaw ng lipunan ang uring manggagawa ay siyang huling uri na nagtamo ng kanyang kalayaan, ang pagpapalaya ng uring manggagawa ay magdadamay ng pagpapalaya sa buong sangkatauhan, ng walang pagkakaiba ng lahi o kasarian.

Ang pagpapalayang ito ay narar apat lamang na gampanan mismo ng uring manggagawa.

Dahil sa ang makinarya ng gobyerno, pati na ang sandatahang lakas ng bansa, ay naroon lamang para pangalagaan ang pansasarili ng mga kapitalista sa mga yamang kinuha mula sa mga manggagawa, ang uring manggagawa ay dapat mag-organisa ng buong kamalayan at pampulitikal o para sa pagkubkob ng kapangyarihan ng gobyerno nang sa gayon ang makinaryang ito, pati na ang mga puwersang yaon, ay mapanibago mula sa pagiging instrumento ng pang- aapi tungo sa pagiging kasangkapan ng pagpapalaya at pagpapatalsik sa mapribiliheyong pamumuno.

Dahil sa ang mga partidong pulitikal ay mga pahayag lamang ng mga interes ng mga uri, at dahil na rin ang interes ng uring manggagawa ay tuwirang palaban sa interes ng lahat ng sektor ng uring panginoon, ang partidong nagsusulong ng paglaya ng uring manggagawa ay dapat na maging kalaban sa bawat ibang partido.

Samakatuwid, ang mga Partidong kapanalig ng Sosyalismo ay pumapasok sa larangan ng aksyong pampulitika na determinadong makipagtunggali laban sa lahat ng ibang mga par tido pulitikal, maging ito man ay sinasabing makamanggagawa o kaya ay sumumpang kapitalista, at nananawagan sa lahat ng kaanib ng uring manggagawa sa mga bansang ito na suportahan ang mga prinsipyong ito upang sa huli ang paglipol o pagpuksa ay maisakatuparan sa isang sistemang nagkakait sa kanila ng bunga ng kanilang pagpapagal, at upang ang kahirapan ay mapalitan ng kaginhawahan, ang pribilehiyo ng pagkakapantay-pantay, at ang pagkaalipin ng kalayaan.

ANG LAYUNIN AT DEKLARASYO N NG MGA PRINSIPYO NG PANGMUNDONG KILUS AN NG SOSYALISMO

Kalakip ang mga paliwanag kung ano ang kahulugan sa atin ng layunin at bawat Prinsipyo.

Ang pagpapahayag sa ibaba nito ay siyang saligan ng ating organisasyon at sa dahilang ito ay isa ring mahalagang dokumentong pangkasaysaysan na nagsimula pa sa kaanyuan ng World Socialist Movement, ang orihinal nitong lengguwahe ay pinanatili.

LAYON (Object) Ang pagtatag ng isang sistema ng lipunan na nakasalig sa pagmamay-aring pangkalahatan at ang demokratikong kont rol sa mga pamamaraan at mga instrumento sa paglikha at pamamahagi ng yaman mula sa at tungo sa kapakanan ng lipunan sa kabuuan.

Ano ang ibig sabihin ng:

“isang sistema ng lipunan”?

Ang daigdig ay isang “pangmundong pamayanan” . Bawat rehiyon ay maaring mayroong kani-kaniyang partikular at naiibang kaugalian, subalit sila ay mga bahagi ng isang mas malaking sistema ng lipunan na ang lawak ay pangbuong- mundo. Ang sistema ng lipunang ito ay tinatawag na kapitalismo o makapamuhunan at ang bawat rehiyon at bansa ay nananalaytay sa loob ng sistemang ito ng lipunan sa ibat ibang m ga kaparaanan. Ang sosyalismo ay hindi isang nakikipagtulungang isla sa gitna ng kapitalismo, sa halip ito ay isang pangmundong sistema ng lipunan na papalit sa kapitalismo.

“Mga kaparaanan at kasangkapan sa paglikha at pamamahagi ng yaman”?

Kabilang sa mga ito ang mga kagubatan, mga mina, at mga karagatan na mula dito ang mga likas na yaman ay piniga, ang mga pagawaan na doon pinoproseso ang mga likas na yaman, at ang pamamahagi ng mga yaman na iyan sa pamamagitan ng malawakang transportasyon (tulad ng mga kalsada at mga linya ng mga biyahe) at mga sentro ng pamamahagi (tulad ng mga tindahan at mga naglalakihang pamilihan). Hindi kabilang sa mga ito ang mga pansariling kagamitan tulad ng sipilyo o kasuotan, o kaya ay ang mga kagamitang laan sa mga tagapagmana.

“Pagmamay-aring Panlahat”

Nangangahulugan na ang pagmamay-aring panlahat ay pagmamay-ari ng lipunan, sa kabuuan, ang mga pamamaraan at mga instrumento sa paglikha at pamamahagi ng yaman, sapagkat kung ang nagmamay-ari ay ang lahat, kung ganoon ang bawat isa ay may pantay na karapatan na kontrolin ang mga pamamaraan ng produksiyon at pamamahagi ng yaman. Hindi estadong pagmamay-ari ang panlahat na pagmamay-ari. Ang estadong pagmamay-ari ay isa lamang pagmamay-ari ng uring kapitalista sa kabuuan, sa halip na pagmamay-ari ng kapitalistang indibidwal, at ng sa gayon ang gobyerno ang magpapatakbo ng mga estadong panggawain upang pagsilbihan ang uring kapitalista. Sa mga nagsariling – turing na mga “komunistang” estado, ang mga estadong panggawain ay nagsisilbi doon sa mga kumokontrol ng mga aparato o kasangkapan ng partido/estado. Ang mga uring manggagawa ay hindi nagmamay-ari o kumokontrol. Ang uring manggagawa ay lumilikha lamang para sa mga minoriyang may pribilehiyo.

ANG PAGHAHAYAG NG MGA PRINSIPYO

Pinanghahawakan ng Pandaigdig na Partidong Sosyalista ng Estados Unidos, ang mga sumusunod:

1. Na ang kasalukuyang kabuuan ng lipunan nakasalig sa pagmamay-ari ng mga pamamaraan ng pamumuhay (ito nga ay ang mga lupain, mga paggawaan, mga tren, atbp.) ng mga namumuhunang kapitalista o uring panginoon, at ang resultang pambubusabos sa uring manggagawa, na nasa kanilang pagpapagal ang yaman ay nalilikha.

Papaano ginagawa ang pagpasiya tungkol sa pagpapatakbo ng lipunan? Anong mga simulain ang nag-aatas kung anong mga kagalingan ang dapat likhain, kung gaano ang dami at kalidad, o kaya kung anong programang panlipunan at mga batas ang dapat manatili?

Ang mga kapasiyahan ay nakasalig sa pag-aasam ng paggawa ng tubo. Kung ang mga desisyon ay nakasalig sa pangangailangan ng sangkatauhan, kung ganon ang mga trak-trak na pagkain na sa halip pamalagiang nasisira ay maipapakain sa mga nagugutom. Ang sistemang ekolohiya ng ating planeta ay nawawasak, kahit na ang pagkawasak na ito ay mapalis ang lahi ng tao, ng dahil lamang sa pakinabang. Ang mga mahinang kalidad na gamit-kagalingan ay nalilikha, hindi dahil kagustuhan ng mga tao na magkaroon ng luma o basura kundi dahil sa mas may pakinabang ang maglikha ng mga ito . Kayang makuha ng mayayaman ang pinakamagaganda, ang ibang katulad natin ay mas madalas na konti lang ang pagpipilian. Kahit sino ay puwedeng mag-isip pa ng dose-dosenang halimbawa ng kung papaanong ang pagpapasiya ay inilalagay ang paggawa ng kita sa unahan ng pagpuno sa mga pangangailangan ng tao.

Ang mga may-ari ng mga pasilidad ng produksyon at pamamahagi ang hindi nananagot sa kaninuman kundi sa kanilang mga sarili lamang. Ang gobyerno ay gumagawa ng mga batas na nagpapanatili ng tubo para sa mga may-ari bilang isang grupo. Kung minsan, ang isang may-ari o isang grupo ng mga may-ari ay nawawalan rin ng kaunti, ngunit sa pangkalahatan, ang uri ng mga nagmamay-ari ang palaging nakikinabang sa katagalan. Sa pagpokus sa mga pinakamasamang kalabisan at gawing legal ang iba pa, ang kanilang mga pakinabang ay ligtas sa mga kahilingan para sa mga mahahalagang pagbabago.

Habang ang mga Amerikano ay pangkalahatang nakikita ang mga benepisyo ng pinag-ibayong produksiyon ng materyal na yaman, ang mga pasiya ay ginagawa hindi para paunlarin ang ating buhay kundi paunlarin ang buhay niyaong mga taong nagmamay-ari ng mga pamamaraan ng produksiyon. Ang guwang sa pagitan ng mga sobrang mayayaman at ng marami sa atin ay patuloy na lumalaki.

2. Na sa isang lipunan, samakatuwid, may isang tunggalian ng mga interes, sa isang paglalaban ng mga uri, sa pamamagitan ng mga taong nagtatangkilik ngunit hindi gumagawa, at yaong mga taong nagpapagal ngunit walang tinataglay.

Mayroong mga napakaraming ibat ibang mga pagkakabaha-bahagi sa lipunan. Pagkakahati-hati ng poot sa kasarian, kulay ng balat, pinagmulang bansa, relihiyon o ang halaga ng salapi na kinikita ng isang tao, at iba pa. Ang walang kaseguruhan ng kapitalismo ang pinagmumulan ng mga poot na ito. Dapat nating puksain ang pinagmulang lugar ng mga ito, bago pa man nila mahawahan ang ating mga anak.

Nakikita ng mga sosyalista ang pagkakahati ng lipunan salig sa pamamaraan ng pagtamo ng yaman. Kung ikaw ay dapat magtrabaho upang mabuhay, kung ganon ikaw ay isang uring manggagawa, subalit kung ang malaking bahagi ng iyong kinikita ay nagmula sa pagtatrabaho ng iba, kung ganon ikaw ay isang kapitalista. Ang ganitong pagkakaiba ay malinaw na tumatambad. Kahit na ang ilan sa atin ay nagmamay-ari ng mga kabahagi, ang mga manggagawa ay walang karangyaang lisanin ang kanilang mga trabaho at ipamuhay ng marangya ang kanilang kinita mula sa pamumuhunan.

Kung iyong lilimiin ang lipunan gamit ang mga ganitong pagkakahati ng mga uri, ang maraming problema na sa wari baga’y hindi maunawaan ay may malinaw na mga solusyon. Ang pakinabang ay nakukuha sa pagmamay-ari nito. Ang kabayaran o sahod ay nakukuha naman sa pagpapagal, sa pamamagitan ng pag-ubos sa ating pisikal at mental na lakas sa pagtatrabaho para doon sa mga nagmamay-ari ng mga pamamaraan ng produksiyon at pamamahagi.

Ang may-ari ng isang partikular na pagawaan ay maaaring hindi nya namamalayang siya pala ang nagmamay-ari nito. Ito ay maaaring isa lamang bahagi ng isang napakalaking punong kumpanya na pinamamahalaan ng iba. Ang mga trabahador sa paggawaan, ganun pa man, ay direktang nakadugtong sa produksiyon. Ang mga pagpapagal ng mga manggagawang ito (pati na ang pamamahala ng planta) ang siyang lumilikha ng mga kita na siyang nagpapayaman sa mga kapitalista. Mahalaga na bayaran ng mga kapitalista ang kanilang mga trabahador sa mas mababang halaga kaysa sa halaga ng kanilang mga pinagpagalan. Ang kaibahang ito sa pagitan ng halaga ng kung ano ang ibinayad sa manggagawa at ng halaga ng kung ano ang kanilang nagawa na siyang pinagmulan ng kita.

3. Na mapapawi lamang ang tunggaliang ito sa pamamagitan ng pagpapalaya sa mga uring manggagawa mula sa ilalim ng pangingibabaw ng uring panginoon; sa paglilipat tungo sa panlahatang pagmamay-ari ng lipunan, ng mga pamamaraan ng produksiyon at distribusyon, at ng demokratikong pagkontrol ng mga ito sa kabuuan ng mga tao.

Habang ang pagmamay-ari ng produksiyon at distribusyon ay nakaatang sa uri ng mas kakaunting mga kapitalista, ang ganitong paglalaban ay patuloy na mananatili. Ang salungatan ay sanhi ng magkakaibang interes ng mga uri. Kahit na gaano kaganda ang pagiging mga kapitalista sa antas pansarili, palagiang mayroon silang naiibang interes kaysa sa mga manggagawa. Hindi ito isang bagay na kung mabuti man o masama o ano pa man gaya nito, ito ay likas sa anumang sistema ng pag-uuri. Samakatuwid, ang tanging paraan upang maalis ang tunggaliang ito ay iwaksi ang sistema ng pag-uuri at itatag ang isang sistema ng panlahat na pagmamay-ari na dito ang tunggalian kagaya ng dati ay walang saligan.

4. Na kagaya ng pagkakasunod-sunod ng ebolusyong sosyal, ang uring manggagawa ay siyang pinakahuli sa pagkakamit ng kanyang kalayaan, sapagkat ang pagpapalaya sa uri ng manggagawa ay siya ring magpapalaya sa sangkatauhan, na walang pagtatangi ng lahi o kasarian.

Ang poot at kawalang pagtitiwala na narito ngayon sa ating lipunan ay tuwirang bunga ng kalikasan ng mga lipunan sa nakaraan at sa pangkasalukuyan. Sa lipunang para tayo mabuhay ay dapat tayong makipagkumpetensya, na ang ating mga trabaho ay nanganganib na mapapunta sa iba, na hindi natin maramdaman na tayo ay panatag, ay isang matabang lupa na panganganakan ng pagtatanging lahi, pagtatanging-kasarian, pagtatanging-bansa, at ng ibat-iba pang mga kapootan na naglipana.

Kahit ngayon, habang ang poot na ito ay minsan ginagamit para itapat o paharapin ang isang manggagawa laban sa kaniyang kapwa manggagawa, lumilitaw na sa pangkalahatan, ang mga kapootang ito ay binubunot at itinuturing na hindi katanggap-tanggap sa lipunan. Walang lipunan ang kayang ibigay ang ating pangangailangan bilang tao habang mayroong mga ibat-ibang klase ng mga tao. Ang bawat tao ay may mga kakayahan na nagtatangi sa kanila sa mga iba pa, subalit tayong lahat ay pantay-pantay sa ating pagkatao. Tayong lahat ay mayroong mga lakas at kahinaan. Ang kailangan natin ay isang lipunang papayagan tayong gamitin ang ating mga lakas, at isang lipunan rin na tatanggap at bibigyang-daan ang ating mga kahinaan.

Ang sosyalismo ay isang lipunang nakatuon sa pagbibigay ng pangangailangang pantao, at ang pangangailangang matanggap tayo dahil tayo ay tayo, ay maaring siyang pinakapangunahin sa lahat ng pangangailangang pantao. Kapag naglaho na ang mga lupang-panganakan ng mga kapootang ito, likas na mapupuksa ng mga tao ang mga yaon kasama ang lahat na iba pang negatibong tira-tira ng kapitalismo.

5. Na ang pagpapalaya na ito ay dapat na maging gawain na rin mismo ng uring manggagawa.

Tanging ang buong kamalayang suporta ng uring manggagawa ang lilikha ng sosyalismo at sa katapusan nito, ang World Socialist Party ay naglalayon na madagdagan at mapakilos ang suporta para sa sosyalismo. Ang Pandaigdigang Lapiang Makapanlipunan ay nananawagan sa bawat manggagawa na alalayan ang mga pagsisikap na ito sa anumang paraan na kaya nilang gawin.

6. Na ang makinarya ng gobyerno, pati na ang pwersang militar ng bansa, ay nananatili lamang upang pangalagaan ang monopolya ng mga kapitalista sa mga yamang nagmumula sa mga trabahador, kung kaya ang uring manggagawa ay kinakailangang mag-organisa ng buong kamalayan at sa pamamagitan ng pulitika upang kamtin ang mga kapangyarihan ng pamahalaan, upang ang makinaryang ito, pati na ang mga puwersang ito, ay maisa-bagong anyo mula sa pagiging instrumento ng pang-aapi patungo sa pagiging instrumento ng pagpapalaya at ng pagpapatalsik sa pribilehiyong pangmayaman lamang.

Magiging isang kalokohan lamang na asahan na kusang loob na isuko ng uring mamumuhunan ang kanilang kalagayang may pribilehiyo sa lipunan. Narito lamang ang gobyerno para pamahalaan ang lipunan habang ito ay nabubuhay! Sa kapakinabangan ng uring (kapitalista) nakapangyayari, kaya ang mga gobyerno ay hindi wawakasan ang pribilehiyong ito. Habang tinatanggap ng uring manggagawa ang ganito, ang kapitalismo ay magpapatuloy. Dapat pilitin ng uring manggagawa ang uring kapitalista na isuko ang kanilang kalagayang may pribilehiyo.

Ang sosyalismo ay magiging resulta ng pagpili, sa demokratikong paraan, ng mga manggagawa ng isang bago, walang uri ng lipunan na salig sa pagpupuno ng pangangailangang pantao. At dahil sa ang kapitalismo ay isang pandaigdig na sistema ng lipunan, nararapat lamang na ito ay mapalitan sa buong mundo.

Mapanganib at walang saysay na sundin yaong mga nagtataguyod ng karahasan ng mga manggagawa laban sa mga sandatahang lakas ng estado. Ang marahas na himagsikan na kung minsan ay nangangahulugan ng iba’t ibang mukha ng uring manggagawa, palaging nangangahulugang patay na ang manggagawa at hindi kailanman pagpapalaya ng uring manggagawa. Maliban na ang mga obrero ay mag-oorganisa ng buong kamalayan at pamamaraang pulitikal at agawin ang kontrol sa makinarya ng estado, pati na ang puwersang militar nito, matitiyak ang isang madugong tagumpay ng estado.

Ang demokrasyang pulitikal ang pinakadakilang kasangkapan (sunod sa kaniyang kapangyarihang-paggawa) na pwedeng magamit ng uring manggagawa na nasa kanyang kapangyarihan. Kapag ang mas nakararaming mga obrero ay itaguyod ang sosyalismo, ang tinaguriang “rebolusyonaryong” digmaan ay di na kailangan. Ang tunay na himagsikan ay ang pagtigil ng mga manggagawa sa pagsunod sa mga lider, na simulang unawain kung bakit ang lipunan ay kumikilos ng ayon sa ikinikilos nito, at umpisahan ang pag-unawa para sa kanilang sarili.

7. Na kung ang mga partidong pampulitika ay walang iba kundi ang pagpapahayag ng interes ng mga uri, at katulad rin na ang mga interes ng uring manggagawa ay direktang laban sa interes ng lahat ng seksyon ng uring panginoon, ang partidong naglalayong mapalaya ang uring manggagawa ay nararapat na maging galit sa bawat partido.

Ang mga partido ng kaliwa, kanan at sentro ay nag-aangkin na gumagawa para sa ikabubuti ng lipunan. Sapagkat ang lipunan ay kumikilos para sa interes ng uring kapitalista, malinaw na ang mga partidong nabanggit ay nagtataguyod sa interes ng uring kapitalista. Ipinapakita sa atin ng kasaysayan na kahit ano pa ang sabihin ng mga partidong ito, kapag sila ay naihalal na, ang kapitalismo ay kanilang pinapamahalaan sa nag-iisang paraan na puwede itong pamahalaan – para sa kapakanan ng uring kapitalista.

Bawat isa sa kanila ay mayroong sariling ideya kung papaano patakbuhin ang kapitalismo, malimit na nakawin ang mga ideya ng kanilang umano’y mga kalaban sa pulitika. Ang mga reporma na ipinatutupad nila ay dapat maglahad ng katotohanang pang-ekonomiya. Kung hindi, sila ay di na muling maihahalal – pagkatapos na ang sumunod na partido ay nabigo na ilahad ang ganoong katotohanan. Walang paraan na mapunuan ng kapitalismo ang mga pangangailangan ng mas nakararami, subalit lahat ng mga partidong ito ay nagkukunwari na kaya nilang gawin ito kung sila lamang ay makasusumpong ng tamang plano. Wala ni isa man sa kanila ay mayroong tunay na bagong mga ideya, kundi mga inulit na reporma na bigo sa mga nakalipas na panahon. Ang pagboto para sa sinuman sa mga partidong ito ay pagboto para sa kapitalismo, magpakailanman.

Ang mga sosyalista samakatuwid ay namumuhi, hindi sa paraang gumawa ng marahas na aksyon laban sa iba pang partido o mga kasapi nito, kundi laban sa mga ideya ng mga partidong yaon na nagtataguyod ng kapitalismo.

8. Samakatuwid, ang World Socialist Party ng Estados Unidos ay lumalahok sa larangan ng pang-pamahalaang aksiyon na determinadong tumayo laban sa lahat ng iba pang mga partidong pampulitika, kahit pa man pang-manggagawa o pang-mamumuhunan, at tinatawagan ang mga kasapi ng uring manggagawa ng bansang ito na taglayin ang mga prinsipyong ito na sa huli ay wakasan o tapusin ang sistemang ito na nagkakait sa mga manggagawa ng mga bunga ng kanilang pagpapagal, at upang ang karukhaan ay mabigyan ng lugar ng karangyaan, ang karapatan sa pagkakapantay-pantay, at ang pagkaalipin sa kalayaan.

Ang WSP ng Estados Unidos ay bahagi ng pandaigdig na kilusang maka-sosyalista na naniniwala na ang kapitalismo ay hindi kayang ibigay ang pangangailangan ng mas nakararaming sa mga tao dito sa mundo, kahit na gaano pa naging “maunlad” ito. Para mapunan ang mga pangangailangang ito, ang kapitalismo ay dapat palitan ng sosyalismo.

Sa lahat ng mga lapiang pampulitika sa Estados Unidos, tanging ang World Socialist Party ang itinataan sa sosyalismo na ito ay isang pang-madaliang hangarin. Ito ang layunin na nagtutulak sa WSP na maging rebolusyonaryo – ang ating pagsisikap sa payapa, demokratiko at madaliang pagbabago. Ang World Socialist Party samakatuwid, ay nag-uukol ng panahon sa digmaan ng mga ideya laban sa iba pang mga partido. Ang mga iba pang partidong yaon, kahit ano pa ang kanilang angkinin, ay itinataguyod ang sistemang kapitalista at nilalabanan ang madaliang pagtatatag ng sosyalismo.

Ang tanging paraan para makamtan ang sosyalismo para sa uring manggagawa ay kilalanin ito at gumawa ng buong kamalayan at gawaing pulitikal upang palitan ang kapitalismo ng sosyalismo. Ang World Socialist Party ng Estados Unidos ay hindi nagtatangkilik ng kaisipan na repormahin ang kapitalismo, kung kaya hindi ito gumagawa para sa mga pagbabago nito. Napakaraming ibang mga samahan na ganito ang ginagawa ngunit nananatili pa rin ang mga suliranin. Sa pagtutulak sa sulok sa sosyalismo sa hinaharap, ito ay pagsasaisantabi sa wala. Tanging ang partido na inaalay lamang sa sosyalismo ang maaaring magtaguyod ng sosyalismo sa isang totoo at tapat na pamamaraan.